Website ng PDP-Laban, na-hack

Na-hack ang website ng PDP-Laban, Biyernes ng gabi.

Kapag binuksan ang website, makikita ang litrato ng isang naka-maskarang lalaki na naka-fist bump at may nakasulat na “PDP – Para sa Dayuhang Pilipino – Laban” at “Laban 2019 Pilipinas, Abangan ​ang Tuloy-tuloy na Pag-aasenso.”

Naganap ang pangha-hack sa araw na nagkaroon ng pagtitipon ang isang paksyon ng PDP-Laban.

Pero ayon kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel Jr, wala raw otorisasyon ang pagtitipon at labag daw sa party rules ang ginawa ng nasabing paksyon.

 

Read more...