Ayon kay Pangarungan, malaki ang maitutulong ng BOL para sa kapayapaan sa Mindanao. Paliwanag nito, kung wala kapayapaan lalong kawawa ang Mindanao dahil walang investor ang papasok dito.
Paliwang ni Pangarungan, ayaw na nila ng giyera na ilang dekada ng nararanasan sa Southern Mindanao kaya kahit ano anyang peace agreement ay kanilang tatanggapin.
Bagama’t marami anya ang nagsasabi na kulang ang BOL pero ayon kay Pangarungan mas mabuti na ito kaysa wala.
Dapat din anyang pasalamatan si Pangulong Duterte dahil sa pagtutulak nito ng Bangsamoro Organic Law.
Matapos maantala ang paglagda ng pangulo noong Lunes sa BOL dahil sa kudeta sa kamara, kahapon nilagdaan na ito ni Pangulong Duterte.
Sa timetable ng pamahalaa, itatakda ang plebesito sa Nobyembre at kapag naaprubahan saka magtatalaga ng bubuo ng Bangsamoro Transition Authority.