Implementasyon ng provincial bus ban sa EDSA, sa August 15 na

 

File photo

Muling ipinagpaliban ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang implementasyon ng provincial bus ban sa EDSA.

Sa anunsyo ng MMDA, sa halip na August 1, 2018 ay ipatutupad na lamang ang ban sa August 15, 2018.

Matatandaang sinabi ng MMDA na dapat ay July 15 ang implementasyon ng ban pero nausad ito  sa August 1.

Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, makikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB ukol sa pagbabago ng ruta ng mga provincial bus mula north at south, para sa kaginhawaan ng mga pasahero.

Itinakda sa Lunes (July 30) ang pulong ng MMDA at LTFRB.

Papalawigin naman ang dry run para sa provincial bus regulation hanggang August 14.

Batay sa datos, aabot na sa 477 provincial buses ang na-flag down at nakatanggap ng warning sa ginawang dry run mula June 24 hanggang July 2.

 

Read more...