Ayon kay Albayalde, ito ay para matiyak nila ang kaligtasan ng kapatid ng napatay na si Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog.
Sinundo si Ardot ng tatlong tauhan ng PNP-CIDG sa Pingtung Detention Center sa Taiwan kung saan ito nakulong ng dalawang buwan.
Inaresto si Ardot base sa mga arrest warrant sa kasong illegal possession of firearms na isinampa sa Department of Justice o DOJ.
Bukod dito, may hiwalay na warrant of arrest si Ardot dahil naman sa kasong murder sa isang korte sa Ozamiz City.
Hindi pa malinaw kung saan ito makukulong, maaring sa CIDG Main Office o sa PNP Custodial Center, kapwa sa Camp Crame o sa Ozamiz City.
Nahuli si Ardot sa Taiwan noong Mayo 23 dahil sa paggamit ng mga pekeng immigration documents at siya ay nasentensiyahan ng tatlong buwan na pagkakakulong.
Nagtago na ito matapos ang madugong pagsalakay ng mga awtoridad sa bahay ng kanyang kapatid noong Hulyo ng nakaraang taon.