Umaabot sa 450 airline passengers ang stranded ngayon sa Tagbilaran City Airport makaraang pagbawalan ng Civil Aviation Authority of the Philippines na makalipad ang mga erplano dahil sa makapal na usok o “haze”.
Sa kanilang advisory, sinabi ni Cebu Pacific operations manager Karen Batuhinay na mas mabuting kanselahin na ang byahe ng mga eroplano kesa naman pagmulan pa ito ng aksidente sa himpapahid.
Bukod sa Cebu Pacific, hindi rin pinayagang lumipad ang mga eroplano ng Philippine Arilines at Air Philippines.
Sa kanyang paliwanag, sinabi ni PAGASA Bohol station head Leonardo Samar na imbes na 14-kilometers ay limitado lamang sa 7-kilometers ang visibility sa lugar dahil sa usok na galing sa forest fire sa Indonesia.
Bukod sa Tagbilaran City, makapal din ang haze sa bulubunduking bahagi ng Maribojoc town at lalawigan ng Cebu.
Ayon sa paliwanag ng PAGASA, tolerable pa naman na maituturing ang kapal ng usok subalit nananatili itong mapanganib sa mga dumaranas ng sakit sa baga.