LOOK: Mga flight na kanselado ngayong araw, July 27, 2018

Kanselado ang biyahe ng isang airline company patungo at galing sa El Nido, Palawan dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kanselado ang flights T6 126 at 127 Manila – El Nido – Palawan ng AirSwift.

Payo ng MIAA sa mga apektadong pasahero makipag-ugnayan ng direkta sa airline company.

Ito ay para sa rebooking ng kanilang flight o refund ng kanilang pamasahe.

 

Read more...