Ngunit nilinaw naman ni Monreal na hindi dapat ang airport ang agad na sinisisi sa tuwing may mawawala sa bagahe ng mga pasahero.
Giit nito ang sumbong o reklamo sa mga nawawala o nabuksan bagahe ay dapat na ipinararating sa kompanya ng sinakyang eroplano at hindi sa mga kawani ng paliparan, lalo na sa social media.
Nalaman naman ng opisyal na ang mga delegado na nawalan ng kanilang mga pasalubong ay hindi rin nagrereklamo sa pamunuan ng sinakyan nilang eroplano.
Ang insidente ay naisapubliko sa pamamagitan ng mga tweets ng singer na si Jed Madela at aniya ang mga pasalubong ay nawala sa NAIA.
Naglitanya si Madela at sinabi na nagtipid ang mga delegado para may maipambili lang ng pasalubong tapos ay nanakawin lang ng mga walang puso sa airport
Ayon sa singer bukas at sira ang lock ng mga bagahe ng ilan sa mga delegado.