Lalaki natagpuang walang buhay sa Rizal Park sa Maynila

Isang lalaki ang natagpuang walang buhay sa Rizal Park sa bahagi ng Maria Orosa Street sa Maynila.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lalaki na ayon sa mga tauhan ng Manila Police District Station 5 ay tiatayang edad 60 at nakasuot ng itim na jacket at green na shorts.

Nakita ang naturang lalaki alas 2:15 ng madaling araw kanina (Biyernes, July 27).

Wala namang nakita sa katawan nito na anomang indikasyon na siya ay sinaktan. Wala ding tama ng bala ng baril o saksak, gayunman, duguan ang katawan ng lalaki.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.

Read more...