P7M halaga ng shabu nasabat sa Taguig

Inquirer file photo

Aabot sa pitong milyong piso na halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa Taguig City.

Ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust operation sa isang parking lot sa FTI.

Nagpanggap na buyer ang isang PDEA agent at nang maiabot ng mga suspek ang isang kilo ng shabu ay agad dinakip ang mga ito.

Arestado ang dalawang drug suspect na kinilala sa mga alyas na Nor at Abdulan.

Hinala ng PDEA, ang dalawa ay nagtatrabaho bilang drug courier at kunektado sa isang Chinese drug syndicate.

Read more...