Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 60 kilometers West ng Ambulong, Batangas.
Maliit naman ang tsansang maging isang ganap na bagyo ang naturang LPA pero pinalalakas nito ang Habagat na maghahatid ng pag-ulan sa Western Visayas.
Dahil dito, ang Palawan, Mindoro at Western Visayas ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas na ng maaliwalas na panahon ngayong araw.
Samantala, lumakas pa ang bagyo na nasa labas ng bansa at nasa typhoon category na.
Ang Typhoon Jongdari ay huling namataan sa 2,020 kilometers east ng extreme Northern Luzon.
Wala naman itong anumang epekto saanmang panig ng bansa.