Deportation ng isang Afghan national pinigilan ng isang aktibista sa loob ng eroplano

Matagumpay na napigilan ng isang Swedish student activist ang deportation ng isang Afghan national.

Ito ay matapos tumanggi si Elin Ersson na umupo sa loob ng eroplanong papuntang Istanbul na sakay ang Afghan national. Sa naturang bansa nakatakdang pagdesisyunan ang deportation ng lalaki.

Batay sa mga ulat, nang malaman ni Ersson ang flight details ng lalaki ay bumili siya ng ticket sa kaparehong flight upang iprotesta ang deportation nito.

Sa isang Facebook Live video ng aktibista ay makikita na maraming mga pasahero sa eroplano ang sinisigawan siya upang umupo para makalipad na ang eroplano.

Ngunit nagmatigas si Ersson, dahilan upang mabalam ang flight.

Aniya, hindi siya uupo hangga’t hindi bababa sa eroplano ang Afghan national na nakatakdang ipa-deport.

Dagdag pa nito, alam niyang hindi ligtas ang lalaki sa Afghanistan kaya naman ginagawa niya ang protesta upang matulungan ito.

Sa dulo ng video ni Ersson ay sinabi nito na kapwa sila pabababain ng lalaki sa naturang flight.

Samantala, sa isang Facebook post ni Ersson sinabi nito na ang alam niya lamang sa ngayon ay nabalam ang deportation ng lalaki.

Read more...