Pulis na nanampal ng bus driver sinibak na sa pwesto

Photo: Jan Escosio

Matapos sumuko, sinibak sa puwesto ang pulis na nakunan ng video na nanampal sa isang bus driver.

Iniharap nina NCRPO Director Guillermo Eleazar at Southern Police District Director Tomas Apolinario Jr., si PO1 Edmar Costo.

Agad ipinag-utos ni Eleazar ang pagtanggal kay Costo sa Police Communty Precint 1 ng Paranaque City Police.

Naging viral sa social media ang video nang dalawang beses na pagsampal ni Costo kay si Joel Mametis, driver ng Valisno Express Bus na may plakang TXV 220 matapos makuha ang lisensiya nito.

Sinabi naman ni Costo na sinampal niya ang driver dahil minura siya nito at tinangka pang suhulan.

Nabatid na hindi pa lumulutang si Mametis para pormal na maghain ng reklamo laban kay Costo.

Umani naman ng magkakaibang reaksyon sa social media ang video ng insidente, may kumukutya kay Costo at may naninisi din kay Mametis.

Read more...