Back to work sa kamara ipinag-utos ni Speaker GMA

Ipinag-utos na ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kapwa kongresista ang mag “back to work” matapos ang sigalot sa mababang kapulungan.

Ayon kay House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez, nais ni Speaker GMA na simulan na ang trabaho ng mga komite partikular ang pagdinig sa mga nakabinbing mga panukalang batas.

Hindi naman makatiyak si Benitez kung magkakaroon ng rigodon sa mga committee chairmanship.

Gayunman, sinabi ni Benitez na normala lamang ang magkaroon ng balasahan sa komite dahil nasa mahigit na anim na committee chairperson ang hindi bumoto pabor kay Arroyo.

Naniniwala ang Visayan solon na paiirailin ng nga ito ang delicadeza at magkukusa nang lisanin ang kanilang komite.

Kabilang sa mga committe chairperson ang nasa panig ni dating speaker Alvarez ay sina dating Majority Leader Rodolfo Fariñas na pinuno ng committee on rules, Johnny Pimentel ng good government, Reynaldo Umali ng justice, Roger Mercado ng constitutional amendments at Lucy Torres-Gomez ng tourism.

Read more...