Mga kongresista hinimok ng Malakanyang na magtrabaho na matapos ang gusot sa speakership

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Ngayong natapos na ang sigalot sa pagka speaker sa kamara, hinihimok ng palasyo ng malakianyang ang mga kongresista na magtrabaho na para maibigay sa taong bayan ang mas komportableng pamumuhay ng mga Filipino.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, handa na ang palasyo na makatrabaho si bagong House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Roque, hindi matatawaran ang kakayahan at karanasan ni Arroyo para isulong ang mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinahangad din aniya ng Malakanyang ang matagumpay na pamumuno ni Arroyo sa kamara.

“We look forward to Speaker Arroyo’s successful leadership in Congress, and through that, pushing the President’s priority legislation in the Lower House. Together, let us roll up our sleeves and start our work in bringing comfortable life for all Filipinos,” ani Roque.

Kasabay nito, pinasalamatan din ng Malakanyang si dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa serbisyo na ibinigay sa institusyon at sa bansa.

Read more...