Maine Mendoza tiyak nang kasama sa MMFF movie nina Vic Sotto at Coco Martin

Si Vic Sotto na ang nagkumpirma na kasama si Maine Mendoza sa movie nila ni Coco Martin para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre.

Ayon kay Vic, hindi sila nahirapan na kumbinsihin si Maine para sa nasabing pelikula dahil maganda naman ang proyekto at maganda ang role.

Dagdag pa niya, challenging ang role at dito aniya masusubukan ang kakayahan sa pag-arte ng Eat Bulaga regular.

Ito din ang unang pelikula na hindi makakasama ni Maine ang other half ng Aldub na si Alden Richards.

Nauna nang sinabi ni Coco na may negosasyon para makasama si Maine sa pelikula.

Read more...