Ayon sa ulat, inilagay ng lalaki sa guitar case ang pickax at pagtapat sa star ni Trump ay sinimulan itong wasakin ang
Nangyari ito bandang alas-3:30 ang madaling araw.
Matapos basagin ang simbulo na kumikilala sa TV career ng U.S. President, tumawag sa mga pulis ang suspek para aminin ang kanyang ginawa.
Ang suspect ay kinilalang si Austin Mikel Clay, 24 anyos na agad na sumuko sa otoridad.
Nahaharap si Clay sa kasong felony vandalism.
Hindi ito ang unang pagkakataon na binastos ang nasabing simbulo.
Noong 2016, inaresto ang isang lalaki makaraang sirain ang nasabing star bilang protesta umano sa hindi magandang pagtrato ni Trump sa mga kababaihan.
Bago maging Pangulo ng Amerika, si Trump ay kilalang negosyante at bumida sa sarili niyang reality show na “The Apprentice.”