Bangkay ng estudyanteng nalunod sa Cayagan River, natagpuan na

Cagayan PDRRMO Photo

Natagpuan na ang bangkay ng isang estudyante na nalunod sa Cagayan River noong Lunes (July 23).

Na-recover ang katawan ni Robin Soriano, 15 anyos sa Cagayan River na sakop ng Barangay Baccuit sa bayan ng Amulung, alas 7:45 ng umaga ng Huwebes (July 26).

Patuloy namang pinaghahanap ang isa pang 15 anyos na estudyante na si Reynalyn Avila na kasama ring naligo sa ilog.

Una rito, nailigtas sa pagkakalunod ang apat na kasamahan ng dalawa.

Nagkayayaan umanong maligo sa ilog ang anim na estudyante na pawang mula sa Tuguegarao City nonog Lunes, pero sila ay nalunod.

Ang apat na mag-aaral ay nailigtas ng mga mangingisda sa lugar habang hindi na nakaligtas pa sina Soriano at Avila.

Read more...