Isinusulong na Dengvaxia Fund hindi na naman nakalusot sa senado

Muling naudlot ang pagkakapasa ng panukala sa senado na maglalaan ng P1.16 bilyong pondo para sa higit 800,000 batang naturukan ng Dengvaxia.

Matapos magsalita nina Sen. Loren Legarda, na siyang may-akda ng Senate Bill no. 7499, at sina Senators JV Ejercito at Dick Gordon ay sinuspinde na ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pagtalakay sa plenaryo.

Nakiusap na si Legarda sa kanyang mga kapwa senador na palusutin na ang kanyang panukala at binanggit pa na sinertipikahan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent.

Aniya makakatulong ang pondo para mapalagay ang loob ang mga bata at kanilang mga magulang.

Ayon naman kay Ejercito interes ng publiko ang nakataya kaya’t sinusuportahan niya ang panukala at para na rin aniya sa kapakanan ng mga bata.

Magugunita na natalakay na sa plenaryo ang committee report ukol sa panukala bago ang pagsasara ng second regular session ngunit sinuspindi ang pag-uusap haggang sa hindi na ito nabalikan.

Read more...