North Korea tuloy sa paggawa ng nuclear bomb fuel

Patuloy umano ang North Korea sa paggawa ng nuclear bomb fuel ayon kay U.S. Secretary of State Mike Pompeo.

Ito ay sa kabila ng pangako ng NoKor na denuclearization matapos ang makasaysayang summit sa pagitan ni U.S. Pres. Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.

Kinumpirma ni Pompeo ang impormasyon sa senate committee hearing.

Aniya, tuloy sa pag-produce ng fissile material ang NoKor.

Hindi naman na sinagot ni Pompeo ang tanong itutuloy ba ng North Korea ang submarine-launched ballistic missiles nito.

Ani Pompeo, mas mabuting sagutin niya ang naturang usapin nang hindi lantad sa publiko ang kaniyang pahayag o sa isang pribadong sesyon.

Read more...