Umabot sa 215 ang nasawi sa serye ng pag-atake ng Islamic State militants sa southwestern Syria ayon sa mga lokal na opisyal.
Ayon sa pamahalaan, maituturing itong isa sa ‘deadliest attacks’ ng teroristang grupo sa kasaysayan.
Nagsagawa ng magkakahiwalay na suicide bombings ang IS sa Sweida provincial capital kung saan ayon sa mga opisyal ay 215 ang nasawi, 180 ang sugatan kabilang na ang 75 Islamic State fighters.
Nauna nang sinabi ng IS sa hiwalay na pahayag na higit 100 ang kanilang napatay sa kanilang mga pag-atake.
Ayon kay Russian Defense Ministry Col. Gen. Mikhail Mizintsev ay tutulong ang Russia sa Jordan, Lebanon at Turkey sa pagbibigay seguridad sa mga Syrian refugees at pagtitiyak na boluntaryo ang kanilang kagustuhang bumalik sa kanilang bansa.