Massage spa na nag-aalok ng “extra service” sinalakay sa QC

Isang massage spa na nag-aalok umano ng “extra service” ang sinalakay ng mga pulis sa Kamias Road sa Quezon City.

Sa isinagawang operasyon, naabutan ng mga tauhan ng Philippine National Police—Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang isang masahista at kliyente nito na kapwa walang saplot sa loob ng establisyimento.

Ayon sa mga otoridad, front lang ng spa ang pagmamasahe dahil nagbibibigay sila ng “extra service” sa mga kliyente na karaniwan ay lalaki.

Ayon kay Chief Supt. William Macavinta, director ng PNP-WCPC, ikinasa nila ang entrapment makaraang makatanggap ng impormasyon na gumagamit umano ng menor de edad na lalaki bilang masahista ang naturang spa.

Dalawang buwan na isinailalim sa surveillance ang spa bago ikinasa ang entrapment.

Sa entrapment operation, nakapagbigay pa ng bayad ang operatiba sa umano’y bugaw para sa 4 na masahista.

Ani Macavinta, P500 ang singnil sa masahe at umaabot naman sa P3,500 ang bayad sa ekstrang serbisyo.

 

Read more...