Binabantayang bagyo, hindi na papasok ng PAR

Patuloy pa ring nakakaapekto ang hanging Habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa 4am weather update ng PAGASA, patuloy na magdadala ng pag-uulan ang Habagat sa Zambales, Bataan, Mindoro, Northern Palawan at Western Visayas.

Sisikatan naman ng araw ang nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila ngunit posible pa rin ang mga pag-ulan bunsod ng isolated thunderstorms.

Samantala, huling namataan ang binabantayang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name na ‘Jongdari’ sa layong 1,640 kilometro Silangan ng Extreme Northern Luzon.

Lumakas ang bagyo at may taglay na lakas ng hanging aabot sa 90 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometro kada oras.

Hindi ito halos kumikilos sa kanyang kinalalagyan ngunit hindi na inaasahang papasok pa ng bansa at tutungo ito ng Southern Japan.

Read more...