FEU tinalo ang San Beda sa PVL

Inuwi ng Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws ang kanilang ikalawang panalo matapos talunin ang San Beda University Lady Red Spikers sa kanilang naging tapatan kagabi para sa 2018 Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference na ginanap sa Filoil Flying V Centre.

Natapos ang laro sa iskor na 25-16, 21-25, 25-21, at 25-22 pabor sa Lady Tamaraws.

Ayon kay FEU head coach George Pascua, tinitimpla pa ang kanilang koponan matapos umalis ng kanilang star player na si Bernadeth Pons, maging ang kawalan ni Toni Rose Basas na mayroon namang impeksyon sa kanyang tainga.

Ani Pascua, maituturing na nasa experimental stage pa lamang sila nitong nakalipas na dalawang laro habang hinahanap pa ang niche ng bawat isang manlalaro.

Paliwanag pa nito, mahalaga ang chemistry sa isang koponan at iyon ang inaayos nila sa ngayon.

Pinangunahan ni Celine Domingo ang Lady Tamaraws matapos nitong makapagtala ng 22 puntos. Hindi naman nagpahuli ang baguhang player na si Lycha Ebon na nakapagbigay ng 10 puntos.

Samantala, 17 at 12 points naman ang ibinigay ng kambal na sina Nieza at Ella Viray para sa Lady Red Spikers.

Read more...