Nathalie Hart apat na buwang buntis

Nathalie Hart Instagram

Kinumpirma ng aktres na si Nathalie Hart na apat na buwan na siyang nagdadalang tao.

Sa isang panayam ay sinabi ng sexy actress na hindi niya inaasahan ang kanyang pagbubuntis.

Ayon kay Nathalie, matagal nang planado ang kanyang pakikipag-isang dibdib sa kanyang Indian non-showbiz fiance sa Disyembre at bagaman gulat sa kanyang pagbubuntis ay masaya siya para dito.

Aminado ang sexy actress na nag-alala siya sa kanyang pagbubuntis dahil sa ngayon ay hindi pa siya gaano nakaipon at patuloy pa niyang tinutulungan ang kanyang pamilya.

Umaasa si Nathalie na matapos niyang isilang ang kanyang anak ay mabibigyan siyang muli ng mga proyekto. Bagaman aminado ang aktres na hindi na niya tatanggapin ang mga sexy at daring roles kapag nakapanganak na siya.

Sa ngayon ay mayroong siyam na pelikulang nakapila para kay Nathalie na nakatakda niyang tapusin matapos ang kanyang kasal at panganganak.

Read more...