31 patay sa pambobomba sa Pakistan

AP

Pinasabog ang isang bomba sa Quetta, Pakistan sa kasagsagan ng eleksyon doon.

31 katao ang naitalang nasawi, habang 35 naman ang sugatan dahil sa naturang insidente.

Ayon sa isang doktor sa isang ospital kung saan isinugod ang mga nasaktan, ilan sa mga sugatan ay nasa kritikal na kundisyon. Kaya naman mayroon aniyang posibilidad na tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, isang suicide bomber ang nagpasabog ng kanyang sarili.

Kwento ng isang saksi, nakita niya ang isang lalaking sakay ng motorsiklo na pumunta sa gitna ng mga tao ilang segundo bago ang pagsabog.

Sa ngayon ay wala pang umaako sa naturang pag-atake.

Bago ang eleksyon kahapon ay mayroon nang naganap na hiwalay na insidente ng pagpapasabog sa Pakistan. Kabilang dito ang isang insidente kung saan 149 ang nasawi, kabilang ang isang kandidato.

Read more...