Inorganisa na ng Liberal Party ang kanilang grupo upang maging tunay na minorya sa Kamara.
Sa naging pulong ng LP, itinataga nila bilang minority floor leader si Deputy Speaker Miro Quimbo.
Paliwanag ni Quimbo, sila ang totoong minorya base sa rules ng Kamara at sa naging desisyon ng Korte Suprema sa Lagman vs. Suarez.
Nakasaad anya rito na ang hindi bumoto pabor sa nanalong speaker ang siyang magiging minorya kabilang na ang nag-abstain.
Mayroon na rin anya silang liham kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nagsasabing sila ang minorya sa Kamara.
Sinabi pa ni Quimbo na hindi kailangan ng consensus ng mayorya sa Kamara ang pagbuo ng minority bloc.
Dahil sa pagiging lider ng minorya, iniwan na ni Quimbo ang pagiging deputy speaker.
Sinabi naman ni Quezon City Rep. Kit Belmonte na tumatayong secreraty-general ng grupo na handa silang magtrabaho kasama ng mayorya.
Mayroon anya silang 12 sa kanilang grupo sa ngayon at nakahanda nilang tanggapin ang ibang nais sumama sa minority bloc kabilang ang Makabayan bloc.