Alvarez tanggap na ang kanyang kapalaran sa Kamara

ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO

Tinanggap na ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang kanyang kapalaran na hindi na siya ang pinuno ng Kamara.

Sa statement na inilabas sa media ni Alvarez sinabi nito na nagdesisyon na ang mga kapwa niya kongresista at pumili na ng bagong lider sa katauhan ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Alvarez, wala ng magagawa upang maibalik ang nakaraan.

Dahil dito, nanawagan ang dating house speaker na bumalik na sila sa trabaho ay mag move-on na.

Kaninang umaga ay nagkaharap na sina Speaker Arroyo at Alvarez sa isang pulong na tumagal ng 20 minuto sa speaker’s office.

Read more...