Milyong pisong halaga ng mga kontrabando nakumpiska sa Maynila

Nasa 120 karton ng pekeng sigarilyo, tatlong DVD replicating machine, 300 kahon ng blankong DVD at iba’t ibang cellphone accesories na nagkakahalaga ng P55 Million ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa isang bodega sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, nakatanggap ng tip ang BOC mula sa isang brand owner na puno ng pekeng produkto ang isang warehouse sa Antonio Rivera Street kaya nila ito sinalakay.

Ang bodega ay nabatid na pag-aari ng isang Sonny Kho at Tito Yao at pinangangasiwaan ng isang Reggy Tan.

Kabilang sa nakumpiska ng BOC ay mga pekeng sigarilyo na may tatak na More, Marlboro, Belmont, Jackpot, Two Moon at Fortune na nagkakahalaga ng 10 Million.

Ang mga may-ari ng warehouse ay nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines gayundin sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Hinikayat naman ng opisyal ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan kung may mga nalalamang mga iligal na kontrabando na iligal na naipapasok sa bansa.

Read more...