Hindi pa natatanggap ng Malacañang ang kopya ng Bangsamoro Organic Law.
Ito ay kahit na naratipakahan na kahapon ng Kamara ang panukala.
Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, sa ngayon ay isusumite muna ng Kamara ang niratipikahang BOL sa Senado para lagdaan ni Senate President Tito Sotto.
Sinabi pa ni Go na hindi pa masiguro ng Presidential Legislative Liason Office kung maisusumite ngayong araw sa palasyo ang BOL.
Matatandanag hindi nalagdaan ni Pangulong Duterte ang BOL sa katatapos na State of the Nation Address dahil sa kabiguan ng Kamara na maratipikahan bunsod ng gulo sa speakership sa pagitan nina Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo at Cong. Pantaleon Alvarez.
Ayon sa pangulo, bigyan siya ng apatnapu’t walong oras bago lagdaan ang Bangsamoro Organic Law.