Aldub fans gumawa ng kasaysayan sa Philippine Arena

aldub7Ramdam na ang mabigat na daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway North-bound lane partikular na sa approach ng Marilao exit.

Sa inisyal na impormasyon galing sa monitoring center ng NLEX, halos wala nang galawan sa ngayon ang papasok ng Bocaue exit malapit sa Philippine Arena.

 

 

 

Dagsa na kasi ang mga tagahanga ng Aldub kaugnay sa kanilang gaganaping event na may titulong “ Sa Tamang Panahon”.

 

 

 

 

 

 

Tulad ng inaasahan, unahan sa pila ang mga gustong makauna sa pagpasok sa Philippine Arena.

 

 

 

 

 

 

 

Sinamantala naman ng iba ang pagkakataon para gumawa ng mga souvenir items tulad ng Aldub t-shirts at iba pang novelty items.

 

 

 

 

 

 

Dahil bawal magbaon sa loob ng Philippine Arena, naging mabili ang mga tindang pagkain sa paligid ng venue.

 

 

 

 

 

 

Kapansin-pansin din ang pagsu-suot ng uniformed dress ng mga magkakabarkad tulad ng suot nina Lola Nidora at Lola Tinidora.

Read more...