Inililikas na ang mga residenteng nakatira malapit sa mga karagatan dahil sa inaasahang pananalasa ng papalapit na Hurricane Patricia sa malaking bahagi ng bansang Mexico.
Sa pinaka-huling Weather Bulletin na inilabas ng U.S Hurricane Center, sinasabing nasa 305kph (190mph) ang lakas ng nasabing category 5 na bagyo.
Ilang oras mula ngayon ay inaasahang babayuhin ng bagyo ang Western State ng Jalisco, Colima at Guerrero.
Inilikas na rin ang mga turistang nagbabakasyon ngayon sa Puetro Vallarta na isa sa pinaka-sikat na resort sa Jalisco State.
Binabantayan din ng mga otoridad ang inaasahang pagragasa ng putik galing sa dalisdis ng Colima Volcano na kamakailan lang ay nagbuga ng makapal na lava.
Marami sa mga establishemento sa nasabing mga lugar ang naglagay ng mga sand bags sa paligid ng kanilang mga pwesto bilang proteksyon sa inaasahang storm surge.
Sa Jalisco pa pa lang ay nasa 400,000 na mga residente na na ang inilikas sa mga matataas na lugar para matiyak ang kanilang kaligtasan. Sa kasalukuyan ay kanselado na rin ang mga byahe ng tren at eroplano sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Sinabi naman ng World Meteorological Organization na maihahalintulad na Hurracaine Hayan o bagyong Yolanda ang lakas ng nasabing bagyo.
Ang bagyong Yolanda ang pinakamalakas na bagyong naitala sa makabagong panahon kung saan ay umabot sa 315kph ang lakas ng hangin nito na nagpadapa sa malaking bahagi ng bansa noong 2013.