Sa petition for increase of fare ng Grab PH na inihain sa LTFRB, nais ng naturang transport newtwork company na magdagdag ng dalawang piso (P2.00) na per minute charge sa pamasahe.
Bukod dito, gusto rin ng Grab PH na maitaas sa P60.00 ang base fare mula sa ipinatutupad na P40.00.
Pero nilinaw ni LTFRB Chairman Martin Delgra, hindi pa sigurado kung mapagbibigyan ang hirit ng Grab PH.
Ang bagong petisyon ng Grab PH sa LTFRB ay kasabay ng apela ng naturang TNC sa ahensya na baligtarin ang kautusang magbayad ng P10 million multa dahil sa pagpapataw ng P2.00 per minute charge.
Giit ng LTFRB, ilegal ang nasabing paniningil na iyon ng Grab PH.
Nauna dito ay inulan ng reklamo ang LTFRB dahil sa mataas na singil at ilang aroganteng driver ng Grab PH.