Grupo ng mga kongresista susubukang bumuo ng minority bloc

Kinumpirma ng Makabayan bloc sa Kamara na nag-uusap na ang iba’t-ibang grupo ng mga kongresista upang makabuo ng tunay na minority group.

Ito ayon sa grupo ay upang hindi muling umiral ang “company union” sa Kamara.

Sinabi ni ACT Partylist Rep. Antonio Tinio, lahat ng hindi kasama sa mayorya ay kanilang kinakausap.

Paliwanag nito, handa silang umakto bilang minorya pero malabo anya nila itong makuha dahil kulang sila sa numero kaya kailangan nila ang iba pang paksyon.

Idinagdag nito na kung hindi magkakaroon ng koalisyon ay mananatili silang independent.

Paliwanag ni Tinio, mahalaga na magkaroon ng totoong oposisyon sa Kamara upang maharang ang mga hindi makataong agenda ng pamahalaan kabilang na ang charter change at TRAIN 2.

Read more...