Sarangani, Davao Occidental, muling nilindol

 

Muling nakapagtala ng lindol sa Sarangani, Davao Occidental ngayong araw.

Batay sa Phivolcs, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lugar kaninang 1:19 ng hapon.

Ang episentro nito ay 110 kilometers Silangan ng Sarangani, may lalim na 14 kilometers at tectonic ang origin o dahilan.

Kaninang umaga, nairekord sa lugar ang magnitude 3.3 at 3.2 na lindol.

Sa kabila ng mga naranasang pagyanig, walang nai-ulat na pagkasira sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...