Arroyo at Alvarez, nagka-usap na makaraan ang rigodon sa Kamara

 

Nagkaroon ng “face to face” kaninang umaga sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Ito’y nangyari ilang araw matapos ang kontrobersyal na gulo sa speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kasama ni SGMA si Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. na nagtungo sa office ni Alvarez, kung saan naganap ang pulong.

Ayon kay Arroyo, kabilang sa napagkasunduan nila ni Alvarez ay ipagpatuloy ang maayos na relasyon sa isa’t isa.

Maliban dito, naging matipid na si Arroyo sa pagbibigay ng detalye kaugnay sa iba pang napag-usapan nila ni Alvarez.

Noong Lunes, nayanig ang lahat dahil sa kudeta sa Kamara na nakaapekto pa sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

At dahil sa majority vote ay naupo si Arroyo bilang bagong pinuno ng Lower House at kauna-unahang babaeng House Speaker sa kasaysayan.

 

Read more...