5 gov’t agencies, binabantayan ni Duterte dahil sa red tape

 

Inquirer file photo

Ibinunyag ng Malakanyang na mayroong limang tanggapan ng gobyerno ang mahigpit na binabantayan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isyu ng red tape o korupsyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa rehearsal pa lamang sa Palasyo bago ang State of the Nation Address o SONA ay isa-isang tinukoy ng pangulo ang limang tanggapan ng pamahalaan na posibleng sangkot sa red tape.

Subalit sa aktuwal na SONA sa Batasan Complex noong Lunes (July 23), binago ni Presidente Duterte ang script at hindi na muna binanggit ang limang government agencies.

Paniwala ni Roque, hindi na muna tinukoy ng pangulo ang limang tanggapan ng gobyerno dahil kinakailangan na pagsabihan muna ang kani-kanilang mga pinuno sa pribadong pamamaraan.

Karamihan aniya sa nakarating na reklamo kay Duterte ay ang kurapsyon at mabagal na serbisyo.

 

Read more...