Kinumpirma ni dating Congressman Roberto “Robbie” Puno sa kanyang Facebook account ang pagkamatay ng ama.
Wala pang inilabas na impormasyon ang pamilya Puno kung ano ang sanhi ng pagkasawi ng matandang Puno at detalye ng burol at libing nito.
Iniwan ni Puno ang kanyang asawa at labing tatlong anak.
Ayon kay Robbie Puno, minsang nakwento ng kanyang tatay na nais niyang maging pari ngunit nagpasyang abandonahin ang plano nang makilala niya ang babaeng naging misis nito.
Si Puno ay nagsilbi bilang judge sa Court of First Instance noong 1965, hanggang sa maging Court of Appeals Justice, Assemblyman at Minister of Justice.
Nakikilala rin si Puno sa law firm na kanyang itinatag, ang Puno & Puno Law Offices.