Ilang flights ngayong July 25, kanselado dahil sa sama ng panahon

 

UPDATE: Kanselado ang ilang flights ngayong araw ng Miyerkules (July 25), dahil sa sama ng panahon.

Sa advisory ng Manila International Airport Authority o MIAA, hindi na pinayagang bumiyahe ay ang mga sumusunod:

Terminal 3:

– Cebu Pacific flights 5J 504/505 (Manila-Tuguegarao-Manila)

Terminal 4:

– CebGo flights DG 6041/6042 (Manila-Busuanga-Manila)
– CebGO flights DG 6057/6058 (Manila-Busuanga-Manila)
– Skyjet flight M8 715/716 (Manila-Busuanga-Manila)

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline companies para sa rebooking ng flight o refund.

Patuloy namang mag-monitor sa MIAA para iba pang posibleng kanselasyon ng flights.

 

Read more...