Lima patay sa engkwentro sa Nasugbu, Batangas

Update – Patay ang limang miyembro ng robbery hold-up group sa naganap na shootout sa Nasugbu, Batangas kaninang madaling araw.

Ang nasawing suspek ay ang magkapatid na sina Rudy Francisco Roland Francisco at Rico Francisco, at mga kasama nilang sina Arian Hernandez, at alyas Scoth Pacia, habang arestado sina alyas Eva at Eric.

Natunton ng mga otoridad ang safehouse ng grupo sa Sitio Palakulan sa Barangay Wawa.

Ayon kay Calabarzon Police Director Chief Supt. Edward Carranza, magsisilbi ng warrant of arrest ang lokal na pulisya at nang makatunog mga suspek ay pinaputukan ng mga ito ang mga pulis kaya’t nagkaroon shootout.

Makalipas ang ilang minuto ay namatay ang limang suspek.

Sinabi naman ni Batangas Police Director Sr. Supt. Edwin Quilates na ang grupo ay sangkot din sa drug trafficking sa lalawigan ng Batangas.

Narerkober sa mga suspek ang isang caliber .45 pistol, dalawang .38 revolver, isang magnum .22 revolver at isang hand grenade.

Read more...