Binabantayang LPA sa labas ng PAR isa nang bagyo

Ganap nang isang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Namataan ito sa silangan ng Hilagang Luzon.

Ayon sa PAGASA, bagaman maliit ang tsansa na pumasok ito sa loob ng Pilipinas ay palalakasin naman ng bagyo ang southwest monsoon o hanging habagan na magdadala ng pag-uulan sa Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at Metro Manila.

Kombinasyon rin ng habagat at bagyo sa labas ng PAR ang iiral sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Bicol, at Western Visayas.

Samantala, sa 4AM thunderstorm advisory ng PAGASA, inaabisuhan ang mga lalawigan ng Surigao del Norte, Maguindanao, Sultan Kudarat, South Cotabato, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay na maging handa sa mabigat na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na hangin dahil sa thunderstorm na magtatagal sa loob ng isa hanggang dalawang oras.

Paalala ng weather bureau maging alerto sa posibilidad ng flashflood at landslides sa mga nabanggit na lugar.

Read more...