Lilikha ang Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ng bagong entity, ang Bangsamoro Autonomous Region na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Kabilang sa most contentious issues na pinagdebatehan sa panukala ang territorial jurisdiction ng Bangsamoro Region kung saan sa ilalim ng final draft ang lahat ng mga lalawigan na kabilang sa ARMM tulad ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi ay mananatiling kabilang dito.
Maari namang madagdag ang Cotabato City, Isabela City, anim na bayan sa Lanao del Norte at 39 barangay sa North Cotabato kapag bumoto ang mga taga rito aa plebesito pabor sa pagsama sa Bangsamoro Region.
Ang mga kalapit na lugar naman na nais mapabilang sa Bangsamoro Region ay maaring mapasama kung magpapasa ng resolusyon ang local government nito o kaya naman ay petition ang mga taga rito at aaprubahan ng hindi bababa sa 10 porsyento ng mga registered voters sa lugar.
Pamumunuan ang Bangsamoro Region ng chief minister at dalawang deputy ministers na ihahalal mula sa parliament kung saan 50% ay kinabibilangan ng political party representatives, 40% parliamentary district representatives, at 10% sectoral representatives bukod pa sa reserved seats para sa non-Moro indigenous peoples at settler communities.
Sa ilalim ng panukala ang mga miyembro ng parliament ay mayroong 3 years term at maximum of 3 consecutive terms.
Mayroon din ang Bangsamoro Region na fiscal autonomy kung saan nakasaad dito ang block grant of 5% mula sa national internal revenue na katumbas ng P60 to P70 billion kada taon.
Makakakuha rin ang Bangsamoro Region ng 75 percent taxes mula sa nakolekta ng national government na mas mataas sa kasalukuyang 70 percent na share ng ARMM.