12 arestado sa buy bust operation sa Pasay City

Nagkasa ng anti-illegal drug operation ang Station Drug Enforcement Team ng Pasay CPS sa 159 Estrella St.,Brgy 14, Pasay City ala-2:30 Martes ng madaling araw (July 24).

Sa pangunguna ni Police Senior Inspector Maynard D. Pascual ng Pasay City Police naaresto ang 12 katao sa buy-bust operation.

Nasabat sa mga naaresto ang 52 sachets ng hinihinalang shabu na may street value na aabot sa iasng milyon piso at isang cal 9mm pistol ARMSCOR na baril at buy bust money na P1,000.00

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165 a RA 10591 o Comprehensive Law on Firearm and Ammunitions ang kakaharaping kaso ng mga naaresto.

 

Read more...