Isang sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA sa kasalukuyan.
Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang low pressure area (LPA) sa layong 1,555 kilometro silangan ng Northern Luzon.
Bagaman wala pang epekto sa bansa ay posibleng maging bagong bagyo ang LPA sa loob ng 24 hanggang 48 oras.
Ayon sa westher bureau posibleng pumasok lamang ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at kumilos lamang pa-hilagang-kanluran at lumabas din agad ng bansa.
Patuloy na makakaapekto ang Habagat sa western section ng Luzon at magpapaulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan, Western Visayas.
Patuloy na ibinababala ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa naturang mga lugar.
Paminsan-minsang mga pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon at nalalabing bahagi ng CALABARZON.
Mainit at maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa Mindanao at posible lang ang mga pag-ulan bunsod ng isolated rainshowers.