Pangulong Duterte, nag-dinner kasama ang pamilya pagkatapos ng SONA

Courtesy of Sara Duterte

Pagkatapos ng naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ay nag-dinner ito kasama ang kanyang pamilya.

Ayon kay Presidential Spokesperson, ay pinili ng pangulo na makasama ang kanyang pamilya.

Hindi naman na idinitalye ni Roque na kung sinu-sinong miyembro ng first family ang kabilang sa nasabing dinner.

Ibinahagi naman ni Presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa kanyang Instagram account ang kanilang bibihirang family Photo.

Makikita sa larawan ang magkakapatid na sina Sara, Baste at Paolo na nasa likod ng kanilang mga magulang na sina Pangulong Duterte at ang ex-wife nitong si Elizabeth Zimmerman na nakaupo sa harap.

Read more...