Proposed 2019 budget, isinumite na ni Duterte sa Kongreso

Inquirer photo – RTVM Screengrab

Isinumite na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.757 trillion proposed national budget para sa taong 2019.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno ay natanggap na ng Office of the Speaker ito.

Kasabay ito ng isinagawang State of the Nation Address o ulat sa bayan ng pangulo sa joint session ng Kongreso sa Congress at the Batasan Pambansa sa Quezon City.

Una dito ay nagkaroon pa ng kalituhan matapos manumpa si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong House Speaker.

Na-delay ng higit isang oras ang nakatakadang SONA ng pangulo na kadalasan ay nagsisimula ng alas kwatro ng hapon.

Read more...