Giyera kontra droga, mas magiging maigting tulad ng simulan itong ipatupad ayon kay Duterte

RTVM screengrab

Sa kanyang naging talumpati sa kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mas maigting ang drugs on war ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Duterte ay hindi maisasantabi ang war against illegal drugs ng kanyang pamahalaan.

Aniya hindi siya magpapadala sa mga isinasagawang protesta ng mga human rights advocates na layong mapahinto ang kanyang drug war.

Itong mga pagprostesta ayon sa pangulo ay maituturing na ‘misdirected’.

Ayon sa pangulo ang karapatang pantao ay ang concern ng mga ito, samantalang siya ay ang buhay mismo ng mga tao.

Read more...