Mining industry, muling binalaan ni Pangulong Duterte

Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga minero na huwag sirain ang kalikasan.

Ayon sa pangulo huwag sirain ng mga nasa industriya ng pagmimina ang kalikasan o ilagay sa kompromiso ang kapaligiran.

Binigyan diin ni Duterte na dapat ayusin ng mga ito ang kanilang nasira o napinsala.

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), ay kanyang binigyang diin na ang mining industry ay dapat magbigay benipisyo sa mga Pilipino hindi lamang sa iilang mga indibidwal.

Aniya, hindi sapat ang pagbabayad lang ng buwis dahil maari niya itong makuha sa ibang sources.

Iginiit ni Pangulong Duterte na kailangan maibigay nito ang dapat maibigay sa bansa.

Read more...