Pangulong Duterte, naniniwalang susuportahan ng mga Pilipino ang charter change

RTVM screengrab

Kampante si Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan ng mga PIlipino ang itnutulak na charter change ng kanyang administrasyon.

Sa talumpati ng pangulo sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ay sinabi nito na ang nasabing pagbabago ay hindi lang magpapatibay ng mga democratic institutions kung hindi magbibigay ng pantay na oportunidad anuman ang kanilang katayuan sa buhay, relihiyon o ideolohiya.

Pinasalamat din ng pangulo ang mgan naging miyembro ng consultative committee partikular na sina dating Chief Justice Reynato Puno at dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Isa sa mga pangako noong kampanya ni Duterte ang pagbabago ng porma ng pamahalaan mula sa unitary system patungo sa federalism.

Una dito ay lumabas sa resulta ng survey ng Pulse Asia na isinagawa mula June 15 hanggang 21, nasa 67 percent mula sa 1,800 respondents ang hindi pabor sa pagpapalit ng porma ng gobyerno ng bansa.

Read more...