Boracay, hindi hahayaang tuluyang masira ni Pangulong Duterte

FILE

Hindi hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang masira ang isla ng Boracay.

Sa kanyang talumpati sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ay sinabi nito na nakakalungkot na ang isa sa pinakamagandang yaman ng bansa at hinahangan ng mundo ay siyang halimbawa ng kapabayaan ng mga opsiyal ng gobyerno.

Hinimok ng pangulo na gawin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang tungkulin sa pangangala sa kalikasan.

Matatandaang matapos ideklara ni Pangulong Duterte na isang ‘cesspool’ ang naturang isla ay ipinag-utos nito ang pagpapasara dito noong April 26 na nakatakdang muling buksan sa darating na October 26.

Ayon sa pangulo, susunod dito ang rehabilitasyon ng iba pang tourist destination sa bansa.

Read more...