Pagpapatupad ng TRAIN, hindi ihihinto ni Pangulong Duterte

RTVM screengrab

Nandigan si Pangulong Duterte na magpapatuloy ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Iginiit ng pangulo na maling isisi sa TRAIN ang pagtaas ng mga pangunahing mga bilihin.

Sa kanyang SONA, sinabi ng pangulo na ang TRAIN ay nakapag-generate ito ng pondo para sa mga proyekto ng pamahalaan.

“We cannot and should not” ito naman ang naging banat ni Pangulong Duterte sa mga nagsasabing suspendihin na ang TRAIN.

Umaasa naman si Duterte na kanyang malalagdaan bago matapos ang taon ang TRAIN 2.

Read more...